ANG FASHION DIRECTORY NG LAHAT. Ang blog na ito ay nagpapakita ng iba't ibang uri ng fashion.Nagbibigay din ito ng mga tips para makasunod sa uso at sa uri na gusto mo. Halika na at basahin para malaman mo kung saan ka nabibilang.
Thursday, August 19, 2010
The ON-GOING INVENTION ang Artistic Eclectic
Ang artistic eclectic ang pinakaweirdong uri ng fashion. Bakit? Sapagkat ang kabaguhan ng mga isip ng tao ay pumipili ng mga fashion trends na kathang-isip kahit na iba ang isisipin sa kanila ng mga tao. Tumutukoy ang artistic eclectic sa Indie style na nangangahulugang independent at kasalukuyang pag-iimbento.
Ang karaniwang kasuotan dito ay mga exotic lalong-lalo na kung inspired ka sapagkat nakakita ka ng ideya sa iba’t ibang kultura. Naghahalo ka rin ng mga iba’t ibang istilo. Gumagawa ka rin ng mga outfit na kung saan parang abstract graphics ang matitingkad na kulay tulad ng emerald green, hot pink, electric blue at iba pa. Ikaw ang gumagawa ng sarili mong tuntunin sa fashion.
Ang mga aksesori na ginagamit dito ay unconventional at kadalasan vintage na laging tineternuhan ng mga bag at sapatos na puno ng disenyo.
At dahil ang uri at istilong ito ay mahirap ilarawan dahil sa bukod-tangi ito. Kaya naman ang mga taong may ganitong fasion sense ay unpredictable at laging imahinatibo pero nagpapakita pa rin ng sariling personalidad. --- ni Mariel Capulong

Modernong Klasiko
Ang simbolo ng pagtanda ay hindi ibig sabihin na kailangan mong isakripisyo ang iyong fashion sense, o fashion style - - at hindi mo kailangang magmukhang losyang. Kaya naman nirerekomenda ko ang uri ng fashion na ito - - - MODERN CLASSIC.
Ang Modern Classic ay isang uri ng fashion na kung saan ikaw ay preppy ( parang bata manamit ) pero sa modernong paraan. Dapat solid o dark colors ang mga kulay ng kasuotan mo na may mga odd stripe. At ang mga damit na kumportable para sayo ay mga knee length skirts, dark blue jeans, button down shirts at mga plain lang na damit. Ang itsura mo naman ay magiging simple, babaeng babae at bagay na bagay.
Ano- ano ba ang mga klase ng damit na nakapaloob sa modern classic?
* wrinkled dresses – nagpapakita ng mga alon ng dagat
* zipper dresses – kung gusto mo ng medyo rock ang style
* transparency – nagbibigay ng devilish look at ng kagandahan, ipinapakita ang pagiging misteryo ng kababaihan sa aspeto ng kanilang style at sa aspeto ng alindog.
* handcrafted dresses – ito naman ay para sa mga romantikong gamit. kung may date man o para sa mga late-night social gatherings.
* bondage dresses – pinakasimpleng damit na pinapakita ang hugis ng katawan at pinapakita ang pagiging stylish, sopistikado at maalindog.
Ang resulta, ang itsura mo will last through ages. Sa kabila ng dekada, pigura o moda ang uri na ito ang nagpapakita ng pinong kagustuhan. --- ni Mariel Capulong

The Trendy Fashionista!
Napag-iiwanan ka na ba ng panahon ngayon? O in short wala ka na sa uso ngayon? Huwag kang mag-alala, tutulungan kitang makasunod.
Dapat mong malaman ang mga uri ng fashion. At kung isa ka sa mga gusto laging nasa uso, TRENDY FASHIONISTA ang tawag sayo.
* Ang pagsunod sa ganitong uri ng fashion ang pinakamagastos sa lahat dahil gugustuhin mo na lagi mag-shopping. Gusto mo na ikaw ang laging nauuna sa pagsusuot ng mga bagong designs ng damit, bag at sapatos na kalalabas pa lamang. Wala ka ring takot na maghalo-halo ng mga kulay sapagkat gusto mo ay laging nagstastand-out.
* Nakapaloob dito ang:
Power dressing 80’s… nung isang taon pa iyan. Bagama’t may ilan pa ding nagsusuot ng mga ganyan ngayon, wala na iyan sas uso ngayong taon. E, ano nga ba ang “in” ngayon?
More ruffles, More skin revelation, flirty-conservative type, jumpsuits, crystals, militiare touch, clogs! At kung medyo adik-adik ka, mala Lady Gaga ang pwede mong sundan.
More ruffles – bumabalik ang dekada 70. Ang care-free decade. Dito ang mga damit ay hitik sa ruffles particular na ang mga bestidang pambabae. Kaya naman sa dami ng ruffles, nagmumukhang floaty na nagpapahiwatig ng care freeness.
More skin revelation at flirty-conservative – sas casual na pananamit, patok ngayon ang mga micro-mini. Shorts na “almost there in heaven” ang cut pati na rin ang skirts na tineternuhan ng pang-itaas na maluluwang na shirts na kita pa rin ang hubog ng katawan.
At dahil ikaw ay trendy fashionista, kahit ilang pagbabago ng panahon ang mangyari, makakasunod at makakasunod ka. --- ni Ann Mariel Zoleta

Ang Sporty Look
Isa sa uri ng fashion na sikat ngayon ay ang sporty natural. Isang uri ng fashion na simple at kumportable.
Iba’t ibang uri ng damit na maaari nating pagsamasamahin para magkaroon tayo ng sporty natural na uri. Mula sa kasuotan na pang-itaas at pang-ibaba at hindi lang pangmatanda kasama na rin ang mga bata. Makapipili tayo ng gusto nating istilo.
Sa damit pang-itaas ay ang mga t-shirt na kadalasang gawa sa spandex at cotton. Ginagamit dito ang mga light colors gaya ng yellow, white, light blue at iba pa. Ang mga ganito kasing kulay ay malamig sa mata at hindi mainit sa katawan. Mayroon din naming dark colors kagaya ng black, gray at iba pa. Ito naman ang mga kulay na nagbibigay ng ilusyon sa hugis ng ating katawan.
Sa kasuotan naman sa paa ang madalas na ginagamit ay rubber shoes na iba’t ibang uri, kulay at disenyo na nagsisilbing proteksyon tulad ng pang-hiking, jogging at mountain climbing. Nakadisenyo ang istilo ng mga ito batay sa tibay at gamit nito.
Sa damit pang-ibaba naman ay maaari tayong gumamit ng shorts. Denim shorts para sa mga babae at cargo shorts naman para sa lalaki. Pero kadalasan, mga jogging pants ang gamit nila.
Sa accessories naman ay nagsusuot ng shades o eyewear. Nakaktulong ito para proteksyonan ang ating mata sa araw at nakadadagdag sa ating porma. May mga disenyo din na bumabagay sa hugis ng mukha.
Ang mga taong may ganitong uri ng fashion ay athletically inclined. May pagkatomboy na elemento at hindi mahilig sa shopping. Kaya naman nabubuhay sila ng may ganyang mga klase ng damit dahil ang hilig nila ay sports. --- ni Maritess Mendoza

Funky Urbanite Ngayon!
Ang mundo ng fashion ay nagbabago bagamat paulit-ulit lamang sa paglipas ng panahon. Sa bawat pagulit ay may nadadagdag na bagong bagay. At sa mga bagay na ito ay maaaring umusbong pa ang iba pang uri o istilo ng fashion.
Sa mundo ng fashion, hindi lamang ang mga modelo ang mahalaga. Gayon din ang mga damit, sapatos, bag, at ang mga iba pang bagay na kanilang iminomodelo. Kaya naman sa dami ng nauusong fashion ngayon, hindi maipagkakaila na marami ang nagnanais na subukan at gawin ito. Dahil sabi nga nila, kapag nasa uso ka ay “in” ka at syempre cool at astig ka.
Isa sa mga uri ng fashion ay ang funky urbanite. Kung susuriin mabuti, masasabing nagmula ito sa salitang funk at urban. Ang salitang funk ay isang depenisyon para sa mga taong mahihilig sa kakaibang damit tulad ng makikintab at malilinis. Karaniwang kulay ng mga tela na kanilang ginagamit ay neutral o light colors lamang. Ang urban naman ay lugar na maunlad at ang tawag sa mga taong nakatira dito ay urbanite. Samakatuwid, ang funky urbanite ay uso at mas kilala sa mga lugar na maunlad o siyudad.
Kadalasan ang mga taong tumatangkilik sa ganitong fashion ay nagsusuot ng mga damit na hawig sa retro. Ito ay isang uri ng pananamit na nauso noong 1970’s hanggang 1980’s. Isa sa mga sikat na tao na may ganitong style ay si Elvis Presley. Ang paraan ng pananamit ng mga taong may funky urbanite na style ay maluluwang ang damit na may parte na hapit. May mga bahagi ng damit na nakalawit, mahaba at nakalabas ay maluwang at malapad. Halimbawa nito ay “elephant pants”. Makinang, madulas at maraming dekorasyon ang damit na itineterno nila dito.
Iba- Iba ang uri ng fashion. May kanya-kanyang istilo. Kaya naman unti-unting sumisikat ang uring ito sa mundo ng fashion. --- ni Rechman Avila

Bohemian Hippie
Ang Bohemian Hippie ay ang pinakasimpleng uri ng fashion. Ang mga taong may ganitong istilo ng fashion ay nais na maging natural lamang ang kanilang itsura. Sa katunayan, hindi sila naglalagay ng anumang uri ng make up. Nakalugay lamang ang kanilang mahabang buhok at hindi nila ito nilalagyan ng anumang istilo.
Ang ganitong uri ng fashion ay masasabing self-expression dahil malaya nilang naipapahayag ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga damit na sumasalamin sa kanilang pagkatao. Malaking papel din dito ang pagiging malikhain ng kaisipan sapagkat ginagamit nila ito upang makabuong isang unique na istilo.
Mga Kasuotan, Accessories at Iba pa:

- Karaniwang makukulay ang kanilang mga damit. Mayroon itong iba’t ibang disensyo na hango sa kalikasan tulad ng bulaklak at mga hayop. Ang kanilang mga palda ay mahaba at maluluwang. Ang mga pantalon naman nila ay punit-punit o kaya naman ay skinny. Ang kanilang mga t-shirt ay may mga disenyo ng sikat na banda. Halimbawa na lamang ay ang THE BEATLES, THE ROLLING STONES at BOB MARLEY.
- Mahilig din silang magsuot ng mga sombrero tulad ng beach hats o kaya naman ay cowboy hats. Sinusuot nila ang mga ito kung babagay sa suot nilang damit.
- Mga kumportableng suot sa paa ang ginagamit nila. Halimbawa ng mga ito ay mga sandals at tsinelas na tinatawag na flipflops. Nagsusuot din sila ng mga sapatos o boots na matataas ang takong.
- Patong-patong na mga kwintas at purselas ang kanilang mga aksesorya. Ito ay gawa sa kamay na karaniwang binubuo ng malalaking beads.
Subscribe to:
Posts (Atom)