Ang ganitong uri ng fashion ay masasabing self-expression dahil malaya nilang naipapahayag ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga damit na sumasalamin sa kanilang pagkatao. Malaking papel din dito ang pagiging malikhain ng kaisipan sapagkat ginagamit nila ito upang makabuong isang unique na istilo.
Mga Kasuotan, Accessories at Iba pa:
- Karaniwang makukulay ang kanilang mga damit. Mayroon itong iba’t ibang disensyo na hango sa kalikasan tulad ng bulaklak at mga hayop. Ang kanilang mga palda ay mahaba at maluluwang. Ang mga pantalon naman nila ay punit-punit o kaya naman ay skinny. Ang kanilang mga t-shirt ay may mga disenyo ng sikat na banda. Halimbawa na lamang ay ang THE BEATLES, THE ROLLING STONES at BOB MARLEY.
- Mahilig din silang magsuot ng mga sombrero tulad ng beach hats o kaya naman ay cowboy hats. Sinusuot nila ang mga ito kung babagay sa suot nilang damit.
- Mga kumportableng suot sa paa ang ginagamit nila. Halimbawa ng mga ito ay mga sandals at tsinelas na tinatawag na flipflops. Nagsusuot din sila ng mga sapatos o boots na matataas ang takong.
- Patong-patong na mga kwintas at purselas ang kanilang mga aksesorya. Ito ay gawa sa kamay na karaniwang binubuo ng malalaking beads.
No comments:
Post a Comment