Ang artistic eclectic ang pinakaweirdong uri ng fashion. Bakit? Sapagkat ang kabaguhan ng mga isip ng tao ay pumipili ng mga fashion trends na kathang-isip kahit na iba ang isisipin sa kanila ng mga tao. Tumutukoy ang artistic eclectic sa Indie style na nangangahulugang independent at kasalukuyang pag-iimbento.
Ang karaniwang kasuotan dito ay mga exotic lalong-lalo na kung inspired ka sapagkat nakakita ka ng ideya sa iba’t ibang kultura. Naghahalo ka rin ng mga iba’t ibang istilo. Gumagawa ka rin ng mga outfit na kung saan parang abstract graphics ang matitingkad na kulay tulad ng emerald green, hot pink, electric blue at iba pa. Ikaw ang gumagawa ng sarili mong tuntunin sa fashion.
Ang mga aksesori na ginagamit dito ay unconventional at kadalasan vintage na laging tineternuhan ng mga bag at sapatos na puno ng disenyo.
At dahil ang uri at istilong ito ay mahirap ilarawan dahil sa bukod-tangi ito. Kaya naman ang mga taong may ganitong fasion sense ay unpredictable at laging imahinatibo pero nagpapakita pa rin ng sariling personalidad. --- ni Mariel Capulong
No comments:
Post a Comment