Ang mundo ng fashion ay nagbabago bagamat paulit-ulit lamang sa paglipas ng panahon. Sa bawat pagulit ay may nadadagdag na bagong bagay. At sa mga bagay na ito ay maaaring umusbong pa ang iba pang uri o istilo ng fashion.
Sa mundo ng fashion, hindi lamang ang mga modelo ang mahalaga. Gayon din ang mga damit, sapatos, bag, at ang mga iba pang bagay na kanilang iminomodelo. Kaya naman sa dami ng nauusong fashion ngayon, hindi maipagkakaila na marami ang nagnanais na subukan at gawin ito. Dahil sabi nga nila, kapag nasa uso ka ay “in” ka at syempre cool at astig ka.
Isa sa mga uri ng fashion ay ang funky urbanite. Kung susuriin mabuti, masasabing nagmula ito sa salitang funk at urban. Ang salitang funk ay isang depenisyon para sa mga taong mahihilig sa kakaibang damit tulad ng makikintab at malilinis. Karaniwang kulay ng mga tela na kanilang ginagamit ay neutral o light colors lamang. Ang urban naman ay lugar na maunlad at ang tawag sa mga taong nakatira dito ay urbanite. Samakatuwid, ang funky urbanite ay uso at mas kilala sa mga lugar na maunlad o siyudad.
Kadalasan ang mga taong tumatangkilik sa ganitong fashion ay nagsusuot ng mga damit na hawig sa retro. Ito ay isang uri ng pananamit na nauso noong 1970’s hanggang 1980’s. Isa sa mga sikat na tao na may ganitong style ay si Elvis Presley. Ang paraan ng pananamit ng mga taong may funky urbanite na style ay maluluwang ang damit na may parte na hapit. May mga bahagi ng damit na nakalawit, mahaba at nakalabas ay maluwang at malapad. Halimbawa nito ay “elephant pants”. Makinang, madulas at maraming dekorasyon ang damit na itineterno nila dito.
Iba- Iba ang uri ng fashion. May kanya-kanyang istilo. Kaya naman unti-unting sumisikat ang uring ito sa mundo ng fashion. --- ni Rechman Avila
No comments:
Post a Comment