Thursday, August 19, 2010

Modernong Klasiko

            Ang simbolo ng pagtanda ay hindi ibig sabihin na kailangan mong isakripisyo ang iyong fashion sense, o fashion style - - at hindi mo kailangang magmukhang losyang. Kaya naman nirerekomenda ko ang uri ng fashion na ito - - - MODERN CLASSIC.

         Ang Modern Classic ay isang uri ng fashion na kung saan ikaw ay preppy ( parang bata manamit ) pero sa modernong paraan. Dapat solid o dark colors ang mga kulay ng kasuotan mo na may mga odd stripe. At ang mga damit na kumportable para sayo ay mga knee length skirts, dark blue jeans, button down shirts at mga plain lang na damit. Ang itsura mo naman ay magiging simple, babaeng babae at bagay na bagay.

         Ano- ano ba ang mga klase ng damit na nakapaloob sa modern classic?

* wrinkled dresses – nagpapakita ng mga alon ng dagat
* zipper dresses – kung gusto mo ng medyo rock ang style

* transparency – nagbibigay ng devilish look at ng kagandahan, ipinapakita ang pagiging misteryo ng           kababaihan sa aspeto ng kanilang style at sa aspeto ng alindog.

* handcrafted dresses – ito naman ay para sa mga romantikong gamit. kung may date man o para sa mga late-night social gatherings.
* bondage dresses – pinakasimpleng damit na pinapakita ang hugis ng katawan at pinapakita ang pagiging stylish, sopistikado at maalindog.


        Ang resulta, ang itsura mo will last through ages. Sa kabila ng dekada, pigura o moda ang uri na ito ang nagpapakita ng pinong kagustuhan. --- ni Mariel Capulong

No comments:

Post a Comment